Mga opisyal ng PNP na mapatutunayang may pinapanigang kandidato, tatanggalin sa pwesto — PNP Chief

by Radyo La Verdad | April 7, 2016 (Thursday) | 3811

MARQUEZ
Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police na aalisin sa pwesto ang sinomang pulis na makikitang may pinapanigang kandidato.

Ito ay kasunod ng napaulat na may apat na heneral na nakipagpulong sa staff ng isang presidential candidate sa 2016 elections.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Ricardo Marquez, tatanggalin ang mga ito sa pwesto kapag napatunayang pulitika ang dahilan ng pulong.

Sa ngayon ay inatasan na pamunuan ng pnp ang apat na heneral na magpaliwanag kaugnay sa naturang isyu.

Tags: , ,