Mga opisyal ng PNP Central Luzon, sumailalim sa random drug testing sa Camp Olivas sa Pampanga

by Radyo La Verdad | July 4, 2016 (Monday) | 1460

LESLIE_DRUG-TEST
Isang random drug testing ang isinagawa sa PNP officials ng Central Luzon sa Camp Olivas sa City of San Fernando, Pampanga ngayong umaga.

Ito ay alinsunod sa mandatory drug testing ng Philippine National Police sa pangunguna ni bagong PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon sa pamunuan ng PNP Region 3, ang random drug testing ay naglalayong matiyak na ang lahat ng mga hepe sa Central Luzon at iba pang opisyal ay drug-free.

Ang mga PNP official ay nanggaling sa lalawigan ng Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Bataan, Zambales, Tarlac at Pampanga.

Ngayong araw din ay ilulunsad ng PNP Region 3 ang “double barrel” na bahagi ng Anti-Illegal Campaign Plan.

Layunin nito na sugpuin ang drugs at krimen sa rehiyon na isa sa mga prayoridad ni President Rodrigo Duterte.

(Leslie Huidem / UNTV Correspondent)

Tags: , ,