Sa kauna-unahang pagkakataon ay isinagawa sa Bulacan ang sabayang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng lalawigan.
Sina Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado at Vice Governor Daniel Fernando ay nanumpa kay Judge Albert Fonacier pati na ang apat na kongresman ng destrito at lahat ng mga bokal.
Si gov. Alvarado naman ang nanguna sa oath taking ng lahat ng mayor, vice mayor at mga konsehal ng 21 lungsod at tatlong syudad sa Bulacan.
Nangako naman ng suporta si Alvarado sa kampanya kontra iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo’t ang Region 3 ang kabilang sa mga lugar na may pinakamataas na kaso ng illegal drugs.
Tututukan rin nila ang pagsasagawa ng curfew for minors at paglilinis sa kapaligiran.
Samantala, sa bahagi naman ng batangas ay nanumpa na rin sa tungkulin ang mga nanalong kandidato sa municipal at provincial levels.
Pinangunahan ito ng nagbabalik-gobernador ng batangas na si Hernando “Dodo” Mandanas at ng kaniyang bise gobernador na si Nas Ona.
Sinaksihan ito ng dating gobernador at ngayo’y Congresswoman Vilma Santos Recto.
(Nestor Torres / UNTV Correspondent)