Mga opisyal ng DBP, inireklamo ng plunder sa Ombudsman dahil sa umano’y maanomalyang kontrata ng software

by Radyo La Verdad | March 4, 2016 (Friday) | 3801

OMBUDSMAN
Inireklamo ng plunder sa Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng Development Bank of the Philippines na kinabibilangan ng presidente nito na si Gil Buenaventura dahil umano sa maanomalyang kontrata na nagkakahalaga ng 292.9 million pesos.

Bukod kay Buenaventura apat na iba pa ang inireklamo ng plunder.

Kinukwestyon ng Association of DBP Career Official ang umanoy maanomalyang pagbili ng mga opisyal ng DBP ng integrated core banking solution at ang pagpabor umano sa bidding ng mga ito sa joint venture of Kaisa Consulting Company and Polaris Consulting and Service Limited.

Ayon sa mga nagrereklamo, hindi na ito kinakailangan dahil nag-merge na ang Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines.

Una nang inireklamo sa Ombudsman ang mga DBP executive noong 2015 dahil sa umano’y sobra-sobrang performance-based bonus ng mga ito na nagkakahalaga ng 312 million pesos noong 2014.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,