Maituturing na betrayal of public trust ang nangyaring leakage ng mga sensitibong impormasyon na ipinagkatiwala ng mga botante sa COMELEC na napasakamay ng mga hacker.
Kaya’t para sa ilang eksperto, isa itong impeachable offense sa chairman at anim na mga commissioner ng COMELEC.
Ang problema nga lang, hindi ito basta magagawa sa ngayon lalo pa’t wala nang sesyon ang kongreso.
Bukod sa impeachment, maaari rin umanong kasuhan sa ilalim ng data privacy act ang mga opisyal ng COMELEC dahil hindi nila naingatan ang mga sensitibong impormasyon ng mga botante na ipinagkatiwala sa kanila.
Para sa mga eksperto, wala nang magagawa pa upang mabawi ang mga impormasyon nakuha ng mga hacker at nasa dark web na sa ngayon.
Ang kailangan lamang gawin ng COMELEC at iba pang ahensiya ng gobyerno ay gumawa ng hakbang upang wag na itong maulit.
Payo ng mga eksperto, maging mapagmatyag at baguhin ang mga password at security questions sa ginagamit sa mga online transaction dahil maaaring magpanggap ang masasamang loob gamit ang mga impormasyon nanakaw sa data base ng COMELEC.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)