Sorpresang nagsagawa ng drug testing sa mga matataas na opisyal ng CALABARZON Police ang bagong talagang Regional Director na si Chief Supt.Valfrie Tabian.
Bago ang unang command conference kaninang umaga sa Camp Vicente Lim sa Canlubang, Laguna, sumailalim muna sa urine drug testing ang lahat ng police officials.
Upang matiyak na makakasalang lahat sa pagsusuri, isinara ang pinto ng conference room at pinapila ang mga pulis sa comfort room.
Ayon kay PCSupt.Tabian, mahalagang malinis muna ang hanay ng PNP upang epektibo nilang masugpo ang problema sa krimen at iligal na droga sa buong bansa.
Umaasa ang hepe ng CALABARZON Police na walang magpopositibo sa kaniyang mga tauhan dahil wala umano siyang sisinuhin sakaling mapatunayan silang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Bukas naman inaasahang lalabas ang resulta ng isinagawang surprise drug testing.
(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)
Tags: CALABARZON Regional Police, mga opisyal, sorpresang drug testing
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com