Mga opisyal ng barangay na nasa narco list ng PDEA, itotokhang ng PNP

by Radyo La Verdad | May 4, 2018 (Friday) | 3750

Isasailalim ng Philippine National Police (PNP) sa Oplan Tokhang ang mga opisyal ng barangay na pinangalanan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, hinihintay na lang nila ang validated narco list mula sa PDEA.

Ayon kay Albayalde, bibisitahin at pakikiusapan ng mga pulis ang lahat ng barangay official na nasa listahan na tumigil na sa paggamit o pagtutulak ng iligal na droga.

Ayon kay Albayalde, ang mga drug user ay isasailalim sa rehabilitation.

Ang mga protektor naman ng mga drug syndicate ay hahanapan nila ng ebidensya at sasampahan ng kaso.

Giit pa ni Albayalde, kung ano ang ginagawang tokhang sa mga ordinaryong sibilyan ay yun din ang ipatutupad nila sa mga opisyal ng barangay.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,