Mga oil company, may panibagong oil price rollback

by Jeck Deocampo | December 24, 2018 (Monday) | 13846

METRO MANILA, Philippines – Panibagong bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang ipinatupad na ng ilang oil company noong Sabado.

Ayon sa mga industry player, ₱1 kada litro na rollback sa gasoline, diesel at kerosene ang mararamdaman ng mga consumer.

Ilan sa mga oil company ang nagpatupad na ng bawas-presyo noong Sabado gaya ng Unioil, Seaoil, Phoenix at PTT Philippines. Habang kahapon naman araw ng Linggo nagpatupad na ng rollback ang Jetti at sa Martes naman ipatutupad ng Shell at Petro Gazz ang bawas-presyo.

Sa kabuoan, mas maraming beses pa rin na nagkaroon ng dagdag-presyo sa buong taon kumpara sa price rollback.

Ayon sa Department of Energy (DOE) bagama’t nagdesisyon ang mga oil exporting countries na magbawas ng kanilang produksyon hindi pa nito lubusang naaapektuhan ang merkado. Sobra-sobra pa rin ang produksyon ng Estados Unidos, Russia, Saudi at Iran.

Ayon sa DOE, maaaring mas maramdaman ang epekto ng 1.2 million barrels per day production cut kapag sinimulan na ito sa January 2019 hanggang July 2019.

Nag-desisyon ang OPEC na magbawas ng produksyon dahil sa bumagsak na presyo ng petrolyo sa world market dulot ng mataas na supply ng langis.

 

(Mon Jocson / UNTV News)

Tags: , , , , ,