Ipinatawag ng Department of Energy ang mga oil company ngayong araw upang alamin kung gaano pa karami ang stock ng mga ito ng mga produktong petrolyo.
Sa pamamagitan nito, malalaman ng DOE kung aling stock ng mga ito ang hindi pa papatawan ng dagdag buwis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Una nang sinabi ng kagawaran na hindi pa kasama sa papatawan ng karagdagang buwis ang mga lumang oil supply.
Ayon pa sa DOE, dahil iba-iba ang dami ng stock ng oil company ay hindi rin magkakasabay-sabay ang pagtataas ng presyo ng mga ito dahil sa excise tax.
Una nang sinabi ni DOE Assistant Secretary Leonido Pulido III na nahihirapan silang i-monitor ang mga independent fuel player at retail outlets dahil sa oil franchises nagpapadala ng advisories ang mga ito.
Tags: DOE, oil companies, TRAIN Law