Mga OFW, tinuruan ng mga paraan para kumita sa pamamagitan ng agrikultura at pagnenegosyo sa isang OFW Summit

by Radyo La Verdad | November 23, 2017 (Thursday) | 3301

Problemang pinansyal ang kadalasang nag-uudyok sa ilang mga Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa at mapilitang iwanan ang kanilang pamilya.

Kaya naman, sa ikapitong OFW and Family Summit ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance o Villar SIPAG, ilang mga pamamaraan para kumita ng pera ang ibinahagi sa mga OFW.

Layon nito ay upang mabigyan sila ng alternatibong mapagkakakitaan upang huwag nang mangibang-bayan. Katuwang din dito ng foundation ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng DFA, DOLE, DTI at iba pa.

Sa taong ito, nakasentro ang programa sa pagtuturo ng kabuhayan sa agrikultura. Na-inspire naman ang mga dumalong OFW na mag-invest para makapagsimula ng negosyo sa Pilipinas.

Panawagan nila sa pamahalaan na patuloy na magsagawa ng ganitong mga programa upang matulungan silang manatili na lamang sa bansa kasama ang kani-kanilang pamilya.

Bukod sa mga pangkabuhayan seminar, nagsagawa rin ng mga talakayan para maprotektahan ang mga OFW sa mga scammer, illegal recruitment at human trafficking.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,