Mga OFW sa Middle East, nagpahayag ng pakikiisasa isasagawang “ no remittance day” bukas

by Radyo La Verdad | August 27, 2015 (Thursday) | 2280

OFW
Bagamat ipinatigil na ni Pangulong Benigno Aquino the third ang pag-iinspeksyon sa mga balikbayan box, tuloy pa rin ang mga OFW sa gitnang silangan sa isasagawang “no remmittance day” bukas

Ayon sa ating mga kababayan ito ang nakikita nilang paraan upang maipakita ang kanilang malaking pagtutol sa random inspection at sa pagbubuwis ng BOC sa mga balikbayan box ng mga ofw.

Isa ang Middle East sa may pinakamaraming bilang ng OFW at sa tala ng bangko sentral ng Pilipinas, pangalawa ito sa nakapagpapasok ng malaking remittance sa bansa.

Kaya naman paniwala ng ating mga kababayan, malaki ang mawawala sa pamahalaan kapag kanilang isinagawa ito

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, ngayon taon ay tumaas ng 12.7 billion dollars ang bilang ng remittances ng mga ofw kumpara sa 11.9 billion dollars noong nakaraang taon

Una ng sinabi ng Malakanyang na hindi nila hahadlangan ang planong “no remittance day” ng mga ofw

Ngunit umaasa ang Palasyo na pagiisipang itong mabuti ng mga ofw bago isagawa.

Ayon kay Senator Chiz Escudero, aabot sa 3.1 billion pesos ang malulugi sa gobyerno sa isang araw na pag boycott ng ofw sa kanilang remittance. (Maybelle Razon / UNTV News Middle East)

Tags: , ,