Mga OFW, muling pinaalalahanang sumunod sa health advisories kasunod ng MERSCOV outbreak sa Sokor

by Radyo La Verdad | June 15, 2015 (Monday) | 1645

OFW
Muling pinaalalahan ng Department of Labor and Employment at Department of Foreign Affairs ang mga kababayan nating nasa ibang bansa na sumunod sa mga health advisory upang maiwasang magkaroon ng MERS COV.

Ito’y matapos tumaas ang kaso ng MERSCOV sa South Korea na ngayoy umaabot na sa mahigit isang daan.

Ayon sa DFA, kasalukuyan paring minomonitor ng embaha ng Pilipinas sa South Korea ang sitwasyon ng mga Pilipino doon

Ilan sa health measures ng pamahalaan para mga OFW ay ang regular na pag-eexercise, pagkain ng wasto, pagtulog ng nasa tamang oras at pagsunod sa proper hygiene.

Wala pang travel advisory o travel ban na inilalabas ang pamahalaan sa mga Pilipino nais lumipad patungong South Korea.

Una nang sinabi ng DFA na wala pang travel ban dahil pa idinedeklara ng World Health Organization na pandemic ang pagkalat ng MERSCOV sa Sokor.

Tags: , ,