Mga negosyante sa Mindanao, apektado na ng rotational brownout

by dennis | April 17, 2015 (Friday) | 1664
File photo
File photo

Apektado na ang takbo ng negosyo sa Mindanao dahil sa nararanasang rotational brownout.

Ayon kay Jaime Rivera, regional governor ng Chamber of Commerce and Industry sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), apektado na ang kanilang operasyon at posibleng makasira ng kanilang mga electrical appliances ang paulit-ulit na brownout lalo na kung wala itong abiso.

Aniya, madalas tumatagal ang brownout ng 30 minuto saka babalik at mawawala na naman sa loob ng 30 minuto.

Nagumpisa ang araw-araw na rotating brownout sa mga huling araw ng Marso at lalong lumala nitong buwan ng Abril.

Ipinahayag pa ni Rivera na kasabay ng kawalan ng suplay ng kuryente ay ang kakulangan sa suplay ng tubig kaya lalong nag-iinit ang ulo ng mga negosyante sa Mindanao.

Tags: ,