Mga natutulog na pulis habang nasa trabaho, dapat alisin sa serbisyo ayon sa NAPOLCOM

by Radyo La Verdad | February 13, 2018 (Tuesday) | 4100

Tama lang na disiplinahin at sampahan ng reklamo ang mga pulis na natutulog sa kanilang trabaho, mangahulugan man ito ng pagkakatanggal nila sa serbisyo.

Ipinahayag ito ni National Police Commission Vice Chairman Rogelio Casurao, kaugnay sa mga pulis na nahuli sa surprise inspection ni NCRPO CHIEF PDir Oscar Albayalde na natutulog habang naka-duty.

Samantala, pinarangalan ang limang pamilya na napili para sa “Search for Model PNP families for 2017”.  Ang bawat nanalo ay binigyan ng tig 150 thousand pesos.

Ayon kay Casurao, mahalaga ang ginagampanan ng maayos na pamilya sa performance ng isang pulis.

Katunayan batay anila sa kanilang datus, 85% ng mga pulis na may nakasampang kaso ay broken family o may problema ang pamilya. Importante rin aniya ang counselling sa hanay ng mga pulis.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,