Mula pa noong Biyernes hanggang kahapon ay nakaranas ng mga pag-ulan ang Metro Manila bunsod ng pagpasok sa Philippine Area of Responsibility ng Bagyong Butchoy.
Kaya ang mga nagtitinda at natutulog sa buong kahabaan ng Manila Bay sa Roxas Boulevard ay pansamantalang umalis dahil sa pag-ulan at malakas na alon ng dagat.
Pero kagabi ng nagbalikan na rin sila sa kani-kanilang mga lugar sa Baywalk bagaman hindi pa maaliwalas ang panahon.
At tambak na basura naman ang ibinalik ng Manila Bay sa pampang pagkatapos ng mga pag-ulan gaya ng tsinelas, styropor at iba pa.
Samantala kung magiging maayos na ang panahon ngaun araw ay lilinisin ng Manila City government ang mga basurang natambak sa gilid ng Manila Bay.
(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)
Tags: Bagyong Butchoy, Mga natutulog at nagtitinda sa Baywalk, mga pag-ulan