Isa si Nanay Rogelia sa mga lumikas sa kanilang tahanan na nasa malapit sa landslide area sa Barangay Ucab sa Itogon, Benguet.
Nakikiusap siya sa pamahalaan na tulungan silang makahanap ng permanenteng tahanan matapos maideklarang danger zone ang kanilang lugar.
Pansamantalang nasa evacuation center ang pamilya ni Mang Rogelia habang naghahanap ng kanilang matitirhan.
Noong Sabado at Linggo, nagpatupad na ng force evacuation ang local government unit (LGU) ng Itogon, Benguet para mga natitirang mga residente sa paligid ng landslide area.
Makikipagnegosasyon rin ang alkalde sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) tungkol sa tuluyang pagbabawal ng pagmimina sa lugar.
Ayon pa kay Mayor Palangdan, handa naman nilang tulungan ang mga mawawalan ng tahanan at ito ay sa pakikipagtulungan rin ng mga non government organization.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: Benguet, landslide area, Nanay Rogelia
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com