Mga nasugatan matapos mahulog ang isang kotse sa tulay sa Lucena City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | March 22, 2017 (Wednesday) | 2107


Nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang nasugatan matapos mahulog ang kanilang sinasakyang kotse sa Isabang Bridge, Eco- Tourism Road, Lucena City kagabi.

Mula maynila at patungo sana sa bicol ang mga sakay ng kotse nang mangyari ang insidente.

Ayon sa Korean national at driver ng kotse na si Carl Yong Woo, nasilaw umano siya sa kasalubong na sasakyan at hindi namalayang under construction at one way lang ang dinadaang kalsada, dahilan upang dumausdos ang kanyang kotse sa tulay na may pitong metro ang taas.

Nagtamo ng gasgas sa kanang tuhod at paa si Carl habang nagkaroon naman ng gasgas sa leeg ang kasama nitong si Lea Casuno na nilapatan rin ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Hindi na nagpadala sa ospital ang dalawa sa halip ay nagpahatid na lamang sa kanilang tinutuluyang hotel.

Ayon sa PNP Lucena, nakikipagusap na sila sa DPWH upang malagyan ng maayos na signage ang lugar upang hindi na maulit ang aksidente.

(Japhet Cablaida / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,