Mga nasawi dahil sa paginom ng lambanog sa Laguna at Quezon, umakyat na sa 15

by Erika Endraca | December 25, 2019 (Wednesday) | 5063

METRO MANILA – 2 pasyente mula sa Philippine General Hospital at Rizal Medical Center ang panibagong nasawi dahil sa hinihinalang pagkalason sa paginom ng lambanog sa Rizal, Laguna.

Kinilala ang mga ito na sina Mario Asegurado at Jun Jun Cleriko. Bunsod nito umakyat na sa 12 ang nasawi sa rizal habang 3 naman ang nasawi sa probinsya ng Quezon.

Ayon sa hepe ng Rizal Municipal Police Station bagaman nag alok ng pinansyal na tulong sa mga biktima ang suplier ng Rey Lambanog, posible pa rin aniya itong masampahan ng kaso dahil sa dami ng nasawi at naospital

“Pwede po tayong mag file ng reckless imprudence resulting in multiple homicide and physical injuries po , posibleng pagluluto or dun sa pagtatakal pwedeng duon nangyari pagkakaroon ng methanol content.” ani Rizal Municipal Police Station Chief of Police, PCapt. Lindley Tibuc.

Ang kainuman naman ng nasawi na si Mario Asegurado noong Linggo (Dec.22) ng umaga na si Marlon Magpantay. Patuloy na hinihikayat ng Municipal Health Office ang mga nakainom ng lambanog sa Rizal na magtungo sa mga pagamutan lalo na kung nakakaranas ng panlalabo ng mata at paninikip ng dibdib na kabilang sa mga senyales ng methanol poisoning

“Hindi po biro na kapag nagumpisa na ang signs and symptoms kaya sana po bago mag apear ang mga sintomas na yun makapunta kayo dito sa municipal health office.” ani Rizal Municipal Health Office Administrative Officer, John Michael Gangay .

(Sherwin Culubong | UNTV News)

Tags: