Kahit hindi nakakaintindi ng tagalong si Irish national na si Maria Jovita Borges, marami siyang natutunan sa panunuod ng pelikulang Isang Araw, Ikatlong Yugto, sa panulat at direksyon ni Kuya Daniel Razon. Napaluha na aniya siya sa umpisa pa lamang ng pelikula lalo na sa eksena ng isang ama na malupit sa kaniyang pamilya.
Para naman kay Mary Jane Gomez, nakita niya ang kaniyang sarili sa pelikula dahil binuhay nito ang damdamin niya bilang isang ina.
Ilan pa sa mga nakapanuod ay nagbahagi rin ng kani-kanilang natutunan sa advocacy film. Sila man ay nagpapatunay na ang pelikula ay sumasalamin sa buhay ng bawat isa.
Kasama rin sa nanuod si Police Community Relations Group o PCRG Director, Senior Superintendent Rhodel Sermonia na humanga rin sa mga adbokasiya ni Kuya Daniel.
Ikinatuwa naman ni Kuya Daniel ang positibong pagtanggap ng mga kababayan natin sa mensahe ng pelikula. Umaasa siya na nakapagbigay ito ng inspirasyon na magagamit ng mga manunuod sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay.
( Edith Artates / UNTV Correspondent )
Tags: Europa, Isang Araw, Kuya Daniel