Isa ang kababayan nating si Alfredo na isa na ngayong Tokyo resident, sa mga nakapanuod ng pelikulang Isang Araw, ikatlong yugto ni Kuya Daniel Razon sa ginanap na international movie screening nito sa Japan kamakailan. Aniya, nasasalamin niya ang kaniyang dating buhay habang pinanunuod ito.
Ilan pa sa mga manunuod ang nagsabing nakita nila ang kani-kanilang sarili sa mga karakter sa pelikula. Ibinahagi ng mga ito ang kanilang naging repleksyon at ang aral na natutunan mula rito.
Maging si Consul General Jocelyn Ignacio ng embahada ng Pilipinas sa Japan ay humanga sa konsepto ng pelikula. Malaki aniya ang maitutulong nito sa manunuod upang matututo rin namang magbahagi ng mabuti sa iba.
(Roldan Maborrang / UNTV Correspondent)
Tags: Isang Araw, Japan, Kuya Daniel Razon