Sinira ng Philipine National Police ang apat na chainsaw na nakumpiska mula sa illegal loggers sa ilang bayan sa lalawigan ng Biliran.
Ang mga ito ay walang kaukulang permit at ginagamit umano sa pagputol ng mga puno ng niyog sa lalawigan kahit walang pahintulot.
Batay sa Republic Act 8048 o Coconut Preservation Act of 1995, dapat may permit at clearance ang sinomang magpuputol ng mga puno ng niyog.
Halos 80-percent sa mga punong niyog sa Eastern Visayas ang nasira nang manalasa ang Super Typhoon Yolanda noong 2013.
Kaya naman puspusan ang pagbabantay ng mga otoridad upang hindi tuluyang maubos ang mga ito.
Tags: chainsaw, illegal loggers, PNP