Mga nakatira sa Metro Manila, pinayuhan ng WHO na patuloy na mag-ingat kasabay ng pagbaba ng COVID-19 Alert Level

by Radyo La Verdad | October 15, 2021 (Friday) | 2472

METRO MANILA – Suportado ni World Health Organization (WHO) Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe ang desisyon ng pamahalaang i-downgrade sa COVID-19 alert level ang Metro Manila bunsod ng high vaccination rate.

Subalit ayon kay Dr. Abeyasinghe, kailangan pa ring ng matinding pag-iingat lalo na’t nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 variants.

“We support the easing of restrictions because lockdowns have terrible economic consequences and affect the people negatively. So we are supportive of this but we need to be very careful. That’s why I said, we need to calibrate our response” ani Who Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe.

Iginiit ni Abeyasinghe ang kahalagahan ng accessibility ng COVID-19 test sa pamamagitan ng local government units. Agarang quarantine at isolation sa mga may sintomas ng COVID-19 at pagpapatupad ng granular lockdowns sa mga partikular na lugar kung kinakailangan.

Samantala, isinusulong din ng WHO ang pagkakaloob ng third COVID-19 vaccine dose para sa mga immunocompromised at elderly population.

“In addition to immunocompromised individuals, that we include all individuals who have received primary vaccination of two doses with Sinovac or Sinopharm to receive a third dose provided it’s more than 3 months since the completion of their first 2 doses.” ani Who Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe

Gayunman, nilinaw ni Abeyasinghe na hindi pa nirerekomenda ng WHO ang pagbibigay ng third dose sa general population.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,