Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na itutuloy nila ang pag-apruba sa mga nakabinbing aplikasyon ng mga Transport Network Vehcile Service o TNVS.
Kasunod ito ng inilabas na kautusan ng LTFRB na ititigil muna nila ang pagtanggap ng aplikasyon sa mga TNV dahil sa tumataas na bilang nito.
Ayon sa LTFRB, aaralin din muna nila ang fare scheme ng mga transport network company at ang sistema sa pagtatakda ng pasahe ng mga ito bunsod na rin ng pagrereklamo ng mga taxi operator.
Hindi naman nag commit ang LTFRB kung kailan muling bubuksan ang aplikasyon para sa mga TNVS.