Nagsimula na ngayong araw na maglipat ang Land Transportation Office ng mga impounded na sasakyan mula sa main office nito sa Quezon City patungo sa bagong impounding area sa Barangay San Isidro, Tarlac City.
Siyam sa mahigit isang daan at limampung sasakyan ang unang dinala ng LTO sa impounding area ngayong araw.
Ayon sa LTO, aaraw-arawin nila ang paglilipat upang mabawasan na ang congestion ng mga naka-impound na sasakyan sa kanilang opisina.
Malaking tulong umano sa LTO na matangal ang nakatambak na sasakyan sa kanilang opisina sa Quezon City para may paglagyan naman mga bagong nahuhuli araw-araw.
Uunahin ng LTO na ilipat ang mga sasakyang maayos pa at pwede pang maniubrahin saka i-susunod ang mga sasakyang kailangang hatakin.
Nasa 8000 square meter ang kabuoang sukat ng lupa ng impounding area dito sa Tarlac.
Subalit kailangan pang tambakan ang malaking bahagi nito.
Bukod sa Metro Manila dito rin dadalhin ang mga sasakyan nahahatak ng LTO sa Region 3.
(Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent)
Tags: inilipat na sa Tarlac, Mga naka-impound na sasakyan sa LTO