Ginugunita ngayong araw ang ika-anim na anibersaryo ng Maguindanao massacre. Sa haba ng panahong lumipas, nawawalan na ng pag-asa ang mga naiwang mahal sa buhay ng mga biktima na makakamtan pa nila ang hustisya sa loob ng termino ni Pang. Aquino.
Bago mahalal noong 2010 ay ipinangako ng pangulo na malulutas ang kaso sa ilalim ng kanyang administrasyon subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin napaparusahan ang mga nasa likod ng massacre.
Ayon sa secretary general ng Justice Now Movement (JNM), hindi nila alam kung ano na ang nangyayari sa kaso laban sa mga akusado.
Kabilang sa mga biktima ng naturang karumal-dumal na krimen ang asawa at nakatatandang kapatid ni Morales.
Kaugnay nito, magsasagawa ngayong umaga ng pagkilos ang mga miyembro ng National Press Club (NPC) upang kundenahin ang kawalan pa rin ng hustisya para sa mga biktima ng Maguinda¬nao massacre.
Pangungunahan nina NPC President Joel Egco at NPC Vice President Benny Antiporda ang kilos protesta ngayong alas-9 ng umaga bilang paggunita sa ika-6 na taong anibersaryo ng karumal-dumal na pamamaslang sa 32 miyembro ng media.
Magtitipon ang mga mamahayag sa NPC bago magmartsa patungong Mendiola.