Mga nais na pumatay kay Kerwin Espinosa, hinamon ni PNP Chief Dela Rosa

by Radyo La Verdad | November 18, 2016 (Friday) | 1106

lea_dela-rosa

Let get it on!

Ito ang hamon ni PNP Chief PDG Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga nagtatangka sa buhay ng umano’y number two drug drug ng Eastern Visayas.

Ayon kay Gen. Dela Rosa, hindi mawawalan ng mga taong nais na pumatay kay Kerwin upang hindi na ito makapagsalita sa mga nalalaman nito sa iligal na operasyon ng droga.

Lalo na aniya ang supplier, distributor, protektor at mga pulitikong natulungan o nakinabang kay Kerwin noong halalan.

Sinabi pa ni Gen. Dela Rosa na sa inisyal nilang pag-uusap ni Kerwin may mas mataas pa kay Sen. Leila de Lima na isinasabit si Kerwin sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Ito aniya ay isasalaysay ni Kerwin sa kanyang gagawin affidavit.

Samantala, ipinag-utos na rin ni Gen. Dela Rosa sa director ng PNP Region 8 na si PCSupt. Elmer Beltejar, na bigyan na rin ng proteksyon ang mga kaanak ni kerwin sa Albuera, Leyte.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: ,