METRO MANILA – Patuloy pa rin na maghihigpit sa pagpapatupad ng health protocol ang Department of the interior and Local Government (DILG).
Sa ulat ni DILG Secretary Eduardo Ano kay Pangulong Rodrigo Duterte kagabi , 58,021 ang nahuli ng mga otoridad na walang suot na facemask, mahigit 17,000 ang napagmulta, mahigit 3,000 naman ang nag-community service ,44 ang nainquest at 1,082 ang nasampahan ng reklamo.
“Tumaas ang mga nahuhuling hindi nagsusuot ng facemask” ani DILG Secretary Eduardo Ano.
Sa kabila ng pagtaas ng kaso ng mga pasaway na hindi nagsusuot ng facemask…Ayon kay Secretary Ano, bumaba naman ang bilang ng mga nagsasagawa ng mga super spreader event.
Nasampahan na rin ng reklamo ang anim na barangay official na nagpabaya na magkaroon ng mass gathering sa kani-kanilang lugar.
Kabilang na rito ang nangyaring insidente sa Gbat sa ciudad resort, recreational resort sa Navotas at boxing match sa tondo.
“Sa inyo pong paguutos na kasuhan natin ang mga barangay officials , anim po ang nakita natin dito na nakasuhan” ani DILG
Secretary Eduardo Ano.
Muli namang nagpahayag ng pagkadismaya si Pangulong Duterte sa mga matitigas pa rin ang ulo na hindi sumusunod sa health protocol na ipinatutupad ng pamahalaan.
“For as ling as people do not honor the protocols prescribed by the government, kung ayaw nilang sumunod , ayaw nilang maniwala ,walang katapusan ang COVID” ani President Rodrigo Duterte.
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: DILG