Mga nahuling lumabag sa unang araw ng implementasyon ng Anti-Distracted Driving Law, umabot sa mahigit 100

by Radyo La Verdad | May 19, 2017 (Friday) | 2653


Sa pamamagitan ng MMDA Traffic Monitoring System, kitang-kita ang ilang mga pasaway na driver na gumagamit pa rin ng cellphone at gadget habang nagmamaneho.

Isa-isang inirerecord ang plate number ng sasakyan at iba pang detalye ng driver nito, at saka padadalhan ng subpoena ng MMDA upang malaman ang violation at multa na dapat nitong bayaran.

Batay sa tala ng MMDA, mula ala sais ng umaga hanggang ala syete ng gabi kahapon, umabot sa isang daan at dalawamput pito ang nahuling lumabag Anti-Distracted Driving Law sa unang araw ng implementasyon nito.

Pinakamarami sa mga nahuli ay mga motorcycle driver.

Bukod sa mga gadget, ipinaalala rin ng transportation department na kasama rin sa mga ipinagbabawal ng batas ang paglalagay ng tv o monitor sa widshield area ng mga sasakyan o sa ibabaw ng dash board kahit pa ito ay hindi naman ginagamit.

Subalit kung ito ay para sa kapakanan ng mga pasahero ay pinapayagan naman ito ng batas.

Dumipensa naman ang DOTr sa reklamo ng ilang motorista na hindi sang-ayon sa pagpapatupad ng bagong batas trapiko.

Muli ring tiniyak ng DOTr na hindi magagagamit ang Anti-Distracted Driving Law sa korupsyon o pangongotong ng mga traffic law enforcer sa mga motorista.

Tags: , ,