Nakapagsagawa na ng proklamasyon ang COMELEC sa mga nagwaging lokal na kandidato sa Cagayan de Oro City matapos ang halos tatlong araw.
Ayon sa COMELEC, kahapon ng umaga lang sila opisyal na nakapag-anunsyo ng mga nanalo dahil nagka-problema ang kuneksyon sa transmission ng na-canvass na boto sa server ng COMELEC.
Alas-tres ng madaling araw kahapon unang naiproklama bilang kongresista sa District 2 si Maxie Rodriguez; si re-electionist Oscar Moreno bilang Mayor ng Cagayan de Oro at Ranier Uy bilang bagong Vice Mayor ng lungsod.
Ang ama naman ni Vice Mayor Uy na si incumbent Congressman Rolando Uy ay mananatiling kinatawan sa Kongreso ng unang distrito.
Naiproklama na rin ang mga nanalong City Councilors ng CDO.
(UNTV NEWS)
Tags: Cagayan de Oro City