Kahit kakaunti na ang mga taong dumating sa Manila South Cemetery, mahigpit pa rin ang ginagawang pagbabantay ng mga pulis lalo na at may nagtangkang magpasok ng marijuana sa sementeryo noong isang araw.
Matapos ang insidente na may nahulihan ng labing siyam na sachet ng marijuana sa entrance gate ng Manila South Cemetery, mas lalong naghigpit ng seguridad ang mga pulis. Walang makakapasok na hindi dadaan sa inspeksyon at lahat ng mga gamit ay kailangang masuri ng mga pulis.
Ayon kay Police Supt. Albert Barot, umamin ang nahulihan ng marijuana na hindi siya gumagamit ng drugs at pumunta lamang sa sementeryo upang magbenta nito.
Naniniwala ang PNP na sinasamantala ng masasamang loob ang undas upang makapag-kalakal pa rin ng ipinagbabawal na gamot.
Hanggang bukas ang Manila South Cemetery sa publiko ay hindi ipu-pull out ng PNP ang kanilang mga tao sa loob at laban ng sementeryo.
Hindi rin nakaligtas sa mga pulis na makumpiska sa mga pumapasok ang ipinagbabawal na mga gamit gaya ng matutulis na bagay flammable materials, mga firearm, gambling materials at iba pa.
Pinayuhan ng PNP ang mga hahabol pa lang na pupunta sa sementeryo mamaya na huwag ng magdala ng ipinagbabawal na gamit upang hindi na maabala.
Sa kabuuan ay itinuturing na generally peaceful ng PNP ang undas dito sa Manila South Cemetry. Pero patuloy pa rin silang magiging alerto hanggang mamayang hating gabi.
Bukas ay normal operation na ang sementeryo at tatanggap na ng mga ililibing.
Labas pasok naman ang mga truck upang mangongolekta ng basura na naiwan ng mga tao.
( Mon Jocson / UNTV Correspondent )
Tags: Manila South Cemetry, marijuana, PNP