Mga nag-donate ng bakuna kontra Covid-19, dapat may pananagutan din – HPAAC

by Erika Endraca | February 26, 2021 (Friday) | 2327

METRO MANILA – Handa na ang pamahalaan sa vaccine rollout sa Pilipinas. Ayon sa Health Professionals Alliance Against Covid-19 (HPAAC).

Nguni’t ayon kay Dr Maricar Limpin na miyembro nito, dapat ay magkaroon ng mahigpit na monitoring ang pamahalaan sa mga bakuna.

Mahalagang matiyak na mayroong pananagutan ang mga donor ng Covid-19 vaccines sakaling magkaroon ito ng side effects .

“Magkakaroon pa iyan ng active surveillance if we leave it up just to these private entities e papano na iyong active monitoring natin hindi na natin malalaman iyan and then again the accountability, who will be accountable? So kapag binili ng mga private companies na ito they should be held accountable, sila iyong nagbili e noh?” ani Philippine College of Physicians Vice president, HPAAC member Dr. Maricar Limpin.

Binigyang diin ni Dr Limpin ang kahalagahan ng pananagutan ng mga donor ng Covid-19 vaccines kahit na ang mga ito ay may eua mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Gaya na lamang ng mga paparating na 600, 000 doses ng Coronavac na gawa ng Sinovac ng China.

Nananawagan din ang HPAAC sa pamahalaan na bahagi ng proseso sa pag- apruba ng Covid-19 vaccine sa bansa ang evaluation ng health technology assessment council sa mga bakuna.

Nakasaad sa umiiral na batas sa bansa na kailangan ng rekomendasyon ng HTAC bago bilhin o gamitin ang isang bakuna pagkatapos na mabigyan ito ng EUA ng FDA.

“That is actually under the law if you remember the universal healthcare act of 2019 it institutionalize health technology assessment as a fair and transparent mechanism that is recommendatory to DOH and PhilHealth” ani Philippine College of Physicians Vice president, HPAAC member Dr. Maricar Limpin.

Kasama sa assessment ng HTAC ang presypo, bisa, epekto, legal, ethical social impact at maging ang equity o pagkakapantay- pantay ng distribusyon ng bakuna sa mga lugar sa bansa.

“This is of course regardless whether the government will be the ones purchasing it or whether the vaccines will be donated sana dumaan pa rin sa HTAC review, Sinovac vaccine just like iyong ibang mga vaccine like Pfizer, Astrazeneca “ ani Philippine College of Physicians Vice president, HPAAC member Dr. Maricar Limpin.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,