Mga naaresto sa COMELEC gun ban umakyat na sa mahigit 800

by Radyo La Verdad | February 11, 2016 (Thursday) | 1413

COMELEC-gun-ban
Patuloy na nadadagdagan ang mga lumalabag sa COMELEC gun ban.

Sa pinakahuling tala ng Philippine National Police, umakyat na ito sa 817.

Ang 782 dito ay mga sibilyan, 7 PNP, 10 Government/Elected Official, 11 Security Guard, 2 CAFGU at 5 mula sa other law enforcement agency.

648 naman ang nakumpiskang baril at 4940 na deadly weapons.

23 firearms replica, 231 na bladed weapons, 30 granada, 7 ibang pampasabog at 4649 na mga bala.

Ayon kay PNP Pio Chief P/CSupt. Wilben Mayor, kabilang sa 7 naarestong pulis ay sina PO2 Jessie James Marabi na mula sa Iloilo City at PO1 Marlon Cojuangco Nofuente na taga Muntinlupa na parehong nahuli noong Feb.7.

Sinabi pa ni Mayor na kung mapatutunayang lumabag ang mga ito sa umiiral na COMELEC gun ban, tiyak na matatanggal ang mga ito sa serbisyo at tanggal din ang mga benipisyo.

Dagdag ng heneral, ngayong papalapit na ang halalan, dinagdagan na rin nila ang mga pulis sa lansangan na nagpa patrolya at nagbabantay.

Kaya’t paalala ng PNP hindi lamang sa mga pulis kundi sa publiko na sumunod sa batas upang makaiwas na maharap sa kaso.

(Lea Ylagan/UNTV News)

Tags: