METRO MANILA – Nakatanggap na ng cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga empleyado ng mall at mangingisda na na-apektuhan ng lindol sa Mindanao.
Pinangunahan ni DSWD Undersecretary Edu Punay ang pamamahagi ng relief assistance sa mga empleyado ng mall na lubhang naapektuhan ng 6.8 magnitude na lidol noong Biyernes (Nov. 17).
Mahigit 400 mall employees ang tumanggap ng P2,000 mula sa AICS program ng DSWD kasama na ang tig-2 box ng family food packs.
Namahagi rin ang DSWD Soccsksargen ng P2,000 cash aid at family food packs sa 41 mangingisda sa City of Koronadal na nasira ang mga bangka dahil sa pagyanig.