Mga myembro umano ng NPA na umatake sa Davao Oriental, patuloy na tinutugis ng mga militar

by Radyo La Verdad | June 29, 2017 (Thursday) | 2117

Mga myembro umano ng NPA na umatake sa Davao Oriental, patuloy na tinutugis ng mga militar.

Patuloy ng pinaghahanap ng mga militar ang pinagtataguan ng mga umanoy miyembro ng New Peoples Army na umatake sa barangay Sobrecary sa Caraga Davao Oriental noong lunes.

Ayon kay Lieutenant Col. Jake Obligado, commander ng 67th infantry batallion na ang grupong sumalakay sa bahay ng biktima ay ang Pulag Bagani Command o PBC 8 na punangunahan ni Alyas Xander.

Lunes nang salakayin ng labing dalawang armadong lalaki ang bahay ni Emmanuel Matical at Leo Padao matapos na mapaghinalaan na informant ng militar.

Sinunog ng grupong umatake ang bahay ni Padao at pinaputukan. Tinamaan sa ulo ang 10 gulang na anak ni Padao na si Justine na agad nitong ikinasawi.

Ayon sa militar ang pagkamatay ni Justine ay paglabag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.

Sa ngayon, inihahanda na ng mga otoridad ang mga kasong isasampa sa grupo ng NPA.

(Janice Ingente/UNTV News Reporter)

Tags: , ,