Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa mga delinquent drivers sa posibilidad na mahirapan na ang mga ito sa pagkuha ng clearance mula sa National Bureau of Investigation simula sa Marso.
Ayon kay MMDA Officer-in-Charge at General Manager Thomas “Tim” Orbos nakikipag-usap na ang ahensya sa nbi hinggil sa pagsasama sa mga pasaway ng motorista sa alarm list nito.
Layon ng hakbang na ito na makatulong sa pagresolba sa matagal nang problema sa illegal parking na kabilang sa mga nagdudulot ng pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.
Sa oras na maaprubahan, ang mga mahuhuling lalabag sa illegal parking na hindi nagbayad ng limang daang pisong multa ay ilalagay sa NBI’s alarm list.
Ang NBI clearance ay karaniwang isa sa mga requirement sa pag-aapply ng trabaho at sa passport o visa application.
Tags: Mga motoristang lumabag sa illegal parking at hindi nagmulta, posibleng mahirapan nang kumuha ng NBI clearance