Konstruksyon ng LRT Line 1 extension, pagpapatayo ng MRT-LRT common station, Metro Manila Subway at South Integrated Terminal.
Ilan lamang ito sa malalaking infrastructure projects na sisimulang ipatayo ng pamahalaan ngayong 2018. Bukod pa dito ang nagpapatuloy na kontruksyon ng MRT-Line 7 at LRT Line-2 extension.
Dahil dito, inaasahan na ang lalo pang pagtindi ng problema sa trapiko sa Metro Manila ayon kay DOTr Undersecretary for Road Transport Thomas Orbos.
Subalit tiniyak nito na nakikipag-ugnayan na sila Department of Public Works and Highways, mga lokal na pamahalaan at Metropolitan Manila Development Auhtority upang masiguro na mayroon silang sapat na koordinasyon upang maiayos ang trapiko sa kabila ng kontruksyon ng mga proyekto.
Muli naman umapela ng pag-unawa sa publiko ang DOTr, at iginiit na mayroong naghihintay na ginhawa ang ilang panahong pagsasakripsyo ng ating mga kababayan sa kalbaryo sa traffic.
Samantala, tiniyak naman ng MMDA na mayroon na silang inihahandang mga traffic scheme upang maibsan ang inaasahang mas titindi pang traffic sa Metro Manila.
( Joan Nano / UNTV Correspondent )
Tags: DOTr, Metro Manila, motorista