METRO MANILA – Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbibigay ng multa sa mga motorcycle riders na sisilong sa ilalim ng mga tulay, footbridges, at MRT stations kapag umuulan.
Sa ilalim ng single ticketing system, P1,000 ang multa sa mga lalabag dito.
Ayon sa MMDA ang pagsilong o pananatili sa gilid ng kalsada ay lubhang delikado at maaari pagmulan ng mga aksidente at pagbigat sa daloy ng trapiko.
Samantala, ang mga motorista na pansamantalang sisilong para magsuot ng pananggalang sa ulan ang tanging papayagan.
Tags: MMDA