Mga Moro at iba pang sektor, hinikayat ni Pang. Rodrigo Duterte na makilahok sa gagawing plebisito

by Radyo La Verdad | August 7, 2018 (Tuesday) | 8136

Makasaysayan ang ginawang presentasyon sa Malacañang kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Region sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Naniniwala si Pangulong Duterte na ang Bangsamoro Organic Law (BOL) ang magiging daan upang wakasan ang deka-dekadang kaguluhan at magsusulong sa kapayapaan, stability at good governance sa Muslim Mindanao.

Umapela rin siya sa Moro People at iba pang sektor sa Bangsamoro areas na gamitin ang kanilang karapatan sa pagboto kung kanilang pagtitibayin o hindi ang BOL.

Ayon kay Presidential Peace Adviser Secretary Jess Dureza, posibleng isagawa ang plebiscite sa pagitan ng Nobyembre 2018 at Enero 2019.

Umapela rin sa lahat ang punong ehekutibo na bigyan ng pagkakataon ang BOL.

Samantala, ayon kay MILF Peace Implementing Panel Chair Mohagher Iqbal, ang decommissioning sa 30% MILF troops at mga armas nito ay mangyayari oras na ratipikahan ng nakararami sa Bangsamoro areas ang BOL.

( Mirasol Abogadil / UNTV Correspondent )

Tags: , ,