Mga militanteng grupo nagkilos protesta laban sa presensya ng mga barko ng China malapit sa Pag-asa Island

by Radyo La Verdad | April 10, 2019 (Wednesday) | 33895

Manila, Philippines – Sumugod sa embahada ng China sa Pilipinas ang mga miyembro ng militanteng grupo upang iprotesta ang presensya ng mga barko ng China malapit sa Pag-asa island.

Giit nila, hindi umano sapat ang ginagawa ng pamahalaan laban sa panghihimasok umano ng China sa mga teritoryong sakop ng Pilipinas.

Aabot sa dalawang daang miyembro ng iba’t ibang militanteng grupo ang nag martsa.    

Una ng sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na aabot sa 270 fishing vessel na pinaniniwalaang nagsasakay ng mga chinese militiamen ang namataang umiikot malapit sa pag-asa island.

Ang pag-asa island ang pinakamalaking isla sa west Philippine sea o south China sea na okupado ng Pilipinas.

20 kilo metro lang ang layo nito sa Subi Reef na okupado naman ng China.

We are not blind to the fact that these are militia and that the deployment of so many so-called fishermen in our islands constricts our movement there, constricts the rights of our fishermen to fish, of our military vessels to patrol. And again this is another sign of china’s very aggressive policy, militaristic policy in the west philippine sea which we are protesting. And the tragic thing here is that our government itself appears to be helpless, appears to tolerate.” ayon kay Former Bayan Muna Representative Teodoro Casino .

Una ng naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas sa China ukol doon. pero giit ng mga militante hindi iyon sapat.

“If we allow them to continue doing that then they would probably do the same in other areas that are being claimed by the philippines or are part of philippine territory, so it is important that early on we call it for what it is. It is an illegal act that we have to denounce and we have to reject” ayon kay new patriotic alliance secretary-general Renato Reyes Jr.

Una ng iginiit ni pangulong rodrigo duterte na hindi siya papayag na okupahin ng China ang Pag-asa island.

“So i nakikiusap ako. I will not plead or beg, but i’m just telling you that layoff the pag-asa because may mga sundalo ako diyan.”  “at ‘pag ‘yan ang ginalaw ninyo, ibang istorya na ‘yan. ‘di sabihin ko na ‘yang mga sundalo ko, “prepare for suicide missions” pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte .

(Grace Casin | Untv News)

Tags: , ,