Mga militante, nangakong susuportahan ang mga ‘progresibong’ polisiya ni Pres. Duterte

by Radyo La Verdad | June 30, 2016 (Thursday) | 1989

MILITANTE
Nagpahayag ng suporta ang mga militanteng grupo sa mga anila’y progresibong polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga nagrally kanina ay ang Makabayan Group na kinabibilang ng Bayan Muna, Act Teachers, Gabriela at Bayan.

Ayon sa mga grupo, suportado nila si Duterte dahil sa pagiging progresibo nito at tiwalang ibinigay sa mga makakaliwa sa pamamagitan ng pag-appoint ng mga kaalyado nila sa gabinete.

Kaya naman pangako ng mga grupo na susuportahan nila ang mga progresibong polisiya ni Duterte.

Halimbawa na lamang ang pagbuwag sa kontraktualisasyon, nakasisirang large scale mining, pagpapalaya sa political prisoners at pakikipagugnayan sa mga grupo tulad ng Communist Party of the Philippines, MILF at MNLF.

Ngunit hindi ibig sabihin nito, ay ititigil na ang kanilang pagrarally sa mga kalsada.

Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, magpapatuloy naman ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kay Duterte pagdating sa mga polisiya nito na hindi nila gaanong pinapababoran tulad na lamang ng death penalty.

Gumawa na rin sila ng tinatawag na people’s agenda na nalalagman ng mga rekomendasyon kaugnay ng mga polisiya o programang maaring gawin ni Duterte.

Kanina, isinumite na rin ito ng mga militanteng grupo kay Duterte matapos silang imbitahan nito sa Malacanang sa isang maikling pagpupulong.

(Darlene Basingan/UNTV Radio)

Tags: ,