Mga migrant sa Greek border, dismayado sa kinalabasan ng European Union Emergency Summit

by Radyo La Verdad | March 9, 2016 (Wednesday) | 907

MIGRANTS
Dismayado ang libo-libong migrant sa refugee camp na nasa border ng Greece sa kinalabasan ng Europian Union Emergency Summit sa Brussels, Belgium.

Umaasa ang mga migrant na magdedesisyon ang E-U Leaders na buksan ang Macedonia–Greece border at papapasukin sila lalo na mahirap ang kalagayan sa mga refugee camp dahil sa nararanasang matinding mga pag-ulan at taglamig sa bansa.

Ngunit sa halip ay pinag-usapan ng European leaders na tanggapin ang alok ng Turkey na ibalik sa kanilang mga bansa ang lahat ng mga migrant na tumawid patungong europa kapalit ng hinihinging monetary pledge ng Ankara.

Muling pag-uusapan ang naturang kasunduan sa susunod na summit na nakatakda sa March 17 hanggang 18.

(UNTV NEWS)

Tags: ,