Mga mangingisda sa Zambales, umaasang malayang makakapalaot sa Scarborough shoal

by Radyo La Verdad | July 13, 2016 (Wednesday) | 2805

ZAMBALES-FISHERMEN
Nakamit ng Pilipinas ang isang malaking tagumpay matapos mag-desisyon ang International Arbitral Tribunal kaugnay ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa desisyong inilabas kahapon, pinaboran ng Permanent Court of Arbitration ang posisyon ng Pilipinas na pag-aari nito ang mga bahurang inokupa tinayuan ng artificial island ng China.

Ikinatuwa naman ng maraming mangingisda sa Zambales ang desisyong ito lalo’t marami sa kanila ang nakaranas ng pangha-harass diumano ng Chinese Navy sa tuwing namamataan sila sa disputed areas.

Sagana sa yamang-dagat ang Scarborough Shoal at malaya naman silang nakakapunta rito noon.

Ngunit mula nang i-reclaim ito ng China ay palagi na silang hinahabol ng mga barko nito kapag namataan sila sa lugar.

Hiling nila, sana ay matigil na ang umano’y pangha-harass ng Chinese Navy sa mga Pilipinong mangingisda ngayong nailabas na ang arbitral ruling.

(Joshua Antonio/UNTV Radio)

Tags: ,