Mga mangingisda sa Zambales, hinihiling na magkaroon ng full access sa Scarborough Shaol

by Radyo La Verdad | June 15, 2018 (Friday) | 4094

Nagsagawa ng consultative meeting ang Philippine Navy Naval Forces Northern Luzon kasama ang nasa isandaang mangingisda mula sa Masinloc, Sta. Cruz Zambales at Infanta, Pangasinan sa Peoples Park at Zambales.

Layunin ng pagpupulong na malaman ang hinaing ng mga mangingisda patungkol sa nararanasang problema sa Scarborough Shoal.

Sa isinagawang pag-uusap, inilabas ng mga mangingisda ang kanilang mga hinaing at nararanasan sa pangingisda sa Panatag Shoal.

Hiniling din nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan sila ng full access para makapangisda sa Scarborough.

Ipinarating na ni Pangulong Duterte sa Chinese Embassy ang isyu ay nangako ang mga ito na iimbestigahan ang insidente.

 

( Leslie Huidem / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,