Mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank, dapat samahan ng Philippine Coast Guard

by Erika Endraca | June 21, 2019 (Friday) | 2396

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senator Francis Pangilinan sa Philippine Coast Guard na dapat ay samahan nila ang mga pilipinong mangingisda sa pamamalakaya sa recto bank.

Ayon sa mambabatas sa pamamagitan nito ay mabibigyang proteksyon ang kabuhayan ng mga mangingisda sa karagatan.

Ginawa ng senador ang pahayag matapos ang nangyaring maritime incident sa recto bank kung saan lumubog ang bangka ng mga pilipinong mangingisda matapos mabangga ng isang chinese vessel.

Giit ni Pangilinan, ang naturang insidente ay panibagong pagyurak sa dignidad ng mga mangingisda.

Tags: ,