Pinag-iingat ng Manila Police District ang mga namimili sa tiangge at matataong lugar tulad ng Quiapo at Divisoria ngayong holiday season.
Ayon kay Barbosa PCP Commander P/SInsp. Alden Panganiban, marami ang dumadagsa sa mga tiangge at bagsak presyong pamilihan ngayong holiday season na tiyak na sasamantalahin ng mga masasamang loob.
Ayon kay Alden sa mga ganitong panahon aktibo ang mga snatcher, hold upper, salisi, pitas gang at mga manloloko.
Kabilang sa mga nanloloko ay ang nagpapanggap na tindera subalit nangongomisyon lamang.
Karamihan sa mga ito ay doble ang presyo o kaya naman ay peke at depektibo ang produkto.
Pinayuhan din ng opisyal ang mga mamimili na suriing mabuti ang perang isinusukli sa kanila dahil naglipana na rin ang mga pekeng pera tulad ng P500 at P1000 peso bill.
Ayon kay Panganiban magtatalaga sila ng mga tauhan ngayong holiday season sa mga pamilihan o matataong lugar upang maiwasan ang krimen at mabantayan ang publiko.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)