Mga mambabatas gumawa ng mas maraming Agri-revitalizing bills

by Erika Endraca | May 25, 2021 (Tuesday) | 5512

METRO MANILA – Nais ng mga mambabatas na gumawa ng Agri-revitalizing bills upang mas lalo pang mapalakas ang mga magsasaka at mangingisda sa Pilipinas.

Gumawa sila ng pangako 2 araw bago ang 2021 National Food Security Summit (NFSS), na isinagawa ng Department of Agriculture (DA) na plenary sessions at 11 industry workshop discussion na dinaluhan ng 15,000 na mga kalahok virtually.

Ibinahagi ni Senator Cynthia Villar , Francis Panganiban at Congressman Wilfredo Mark Enverga at Rafael Cueva ang kani-kanilang mga agenda na naglalayon na maging moderno ang agrikultura at pangisdaan sa Pilipinas, na makikinabang ang mas maraming stakeholders sa tiyak na seguridad ng pagkain sa gitna ng pandemya.

“Lubos po kaming nagpapasalamat sa ating mga legislators at sa ating top local chief executives sa kanilang oras at mga payo nila kaya maari tayong makagawa ng updated national food security plan sa ilalim ng new normal”, ani DA Sec William Dar.

Ang apat na mambabatas na lumahok virtually, binanggit nila ang mga sumusunod na batas na napakinabangan ng mga sector, ito ay ang Republic Act (RA) 11524 na bumuo ng mga coconut farmers at industry trust fund; RA 11511, na nagbago ng Organic Agriculture Act of 2010 ; RA 11321 o “Sagip Saka Act” na naglagay ng institusyon na direktang pagbili ng pagkain sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang mga nagtatanim ng pagkain; at RA 11203 o Rice Tariffication Law (RTL) na tinanggal ang quantitative restriction (QRs) sa imported rice, na ginawang abot kaya ang presyo, at taun-taong P15-B Rice Competitiveness Enhance Fund (RCEF) sa 6 na taon.

Upang mapanatili ang momentum na ito, ayon sa mga mambabatas ginagawa na nila ang ilang mga panukala na nagpapalakas ng competitiveness ng mga manok, baboy, cacao, kawayan, abaca, manga, kape, mais, tubo, at pili.

Sinabi din nila na gagawa sila ng ng panukalang batas na naglalayong mabigyan ng ng suporta ang mga kabataang magsasaka at mangingisda; na magtatag ng agriculture information system; na baguhin ang Magna Carta ng maliliit na magsasaka; suportahan ang livestock at poultry feeds Act; at libreng Weather Index batay sa Agriculture Insurance Act.

Si Senador Villar na chairperson ng Sanate committee sa food at agriculture, at pangunahing may akda ng RTL ay nagsasabing ang mga magsasaka at mangingisda ay dapat tiyakin na maaabutan ng suporta mula sa gobyerno na may kaugnayan sa kanilang pagpapalago.

(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)

Tags: