Mga maliliit na truck, ipinagbabawal nang dumaan sa EDSA tuwing rush hour

by Radyo La Verdad | March 9, 2017 (Thursday) | 3373


Ipinatutupad na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang selective truck ban sa kahabaan ng EDSA.

Ito ay upang mabawasan ang volume ng mga sasakyan na dumaraan sa Edsa na isa sa mga pangunahing sanhi ng mabigat na trapiko.

Sa naturang truck ban, bawal nang dumaan ang mga maliliit na truck sa Southbound lane ng EDSA mula ala-sais hanggang alas diyes ng umaga.

At pagdating naman ng ala singko ng hapon hanggang alas diyes ng gabi ay bawal naman ang mga itong dumaan sa Northbound lane.

Bukod sa light trucks, hindi na rin pwedeng dumaan sa EDSA ang mga garbage truck maliban na lamang tuwing gabi o madaling araw.

Sa pagtaya ng MMDA, umaabot sa halos tatlong libong truck ang bumabagtas sa EDSA araw-araw.

Tags: , ,