Mga maliliit na negosyante sa loob ng evacuation centers, mahigpit na babantayan ng Provincial Health Sanitation ng Albay

by Radyo La Verdad | February 2, 2018 (Friday) | 2805

Pinag-aaralan na ng Provincial Health Office ng Albay na ipagbawal na ang pagtitinda ng mga lutong pagkain sa mga evacuation centers, ito ay matapos na makapagtala ang PHO ng 177 na kaso ng pagtatae o diarrhea sa mga evacuees.

Ayon sa Provincial Health and Sanitation Office, mahigpit nilang babantayan ang mga nagtitinda sa mga evacuation centers.

Sa ngayon hindi pa nila ito maipatupad dahil kailangan pang pag-usapan ng lokal ng pamahalaan ng Albay, Provincial Health and Sanitation Office, DepEd at Department of Health.

Bukod sa pagtatae, pinangangambahaan rin ng PHO ang pagkakaroon ng food poisoning. Katulong rin ng PHO ang mga guro sa mga paaralan na ginawang evacuation centers sa pagbabantay sa kalidad at kalinisan ng mga itinitindang pagkain sa mga evacuation centers.

Paalala ng PHO, panatilihing malinis ang paligid at mga ibinebentang pagkain dahil baka sa kapabayaan, ang kakaunting kikitain ay magdudulot naman pinsala sa mga kababayan natin

 

( Allan Manansala / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,