Inumpisahan na ng mga magsasaka sa Iloilo ang pagtatanim ng mga palay para sa second cropping season sa gitna ng patuloy na pag-ulan.
Nadelay ng dalawang buwan ang pagtatanim dahil sa pag-ral ng el niño phenomenon.
Noong buwan ng Mayo sana ang umpisa ng second cropping ngunit naantala ito dahil sa tagtuyot na naka-apekto sa mahigit apat napu’t limang libong ektarya ng palayan.
Sa tala ng Department of Agriculture, pitumput limang porsiyento ng mga palayan sa iloilo ay naka-depende sa ulan habang dalawampu’t lima naman ay sa irigasyon.
Samantala mahigit walong libong sako ng hybrid at inbrid palay seeds ang nakatakdang ipahamagi ng Department of Agriculture bukas sa mga lubhang naapektuhan ng tagtuyot.
Ang inbrid rice ay kayang mag-produce ng 7-8 tons ng palay kada ektarya samantalang 10-14 tons ng palay kada ektarya naman kung hybrid.
(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)
Tags: ikalawang palay cropping season, Mga magsasaka sa Iloilo