Mga magsasaka na naapektuhan ng kalamidad, maaaring maging benepisyaryo ng Survival and Recovery Assistance Program ng DA

by Radyo La Verdad | March 21, 2017 (Tuesday) | 3801


Gumagana na ngayon ang Survival and Recovery o Sure Assistance Program ng Department of Agriculture na naglalayong matulungan ang mga magsasaka na naapektuhan ng kalamidad gaya ng bagyo o malakas na pag-ulan.

Maaaring maka-utang ang mga apektadong magsasaka ng hanggang P25,000 na babayaran sa loob ng 3 taon nang walang interes.

Naglaan ang DA ng paunang pondo na P100M habang hinihintay naman ang P1B mula sa Office of the President para naman sa survival fund.

Bibigyan naman ng bukod na P10,000 ang bawat apektadong magsasaka upang may magastos habang hindi pa nakakarekober mula sa kalamidad.

Masasakop lamang ng programang ang isang lugar na naideklara sa ilalim ng state of calamity.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,